Huwebes, Oktubre 6, 2016

Laban lang.



Kung pagod na ako pwede ko bang sasabihin na tama na, pwede ko bang sabihin na di ko na kaya ,Pero paaano ko sasabihin kung alam ko na yan lang tanging paraan para maabot ko ang aking pangarap .Alam nyu simula high school ako hindi na ako ng papagatos sa parent ko kasi nga mahirap ang buhay namin , pero kahit na mahirap kami sa awa ng Dios naman nakakain naman kami tatlong beses isang araw .Minsan nga maisip ko na may pamilya pa ba ako?may mga tao pa bang kayang ng papahalga sa akin?Maraming tanung na di ko alam kung ito ba ay tamang tanung o maling tanung ,pero alam naman ng Dios kung anu ang pinangdaanan ko sa buhay at alam din nya na ang pamilya ko ang aking inspiration sa buhay .


Minsan kung pagud ako na iiyak ako sa aking silid iniisip ko na ang lupit ng tadhana sa akin kasi bakit ganito yung ibang mga kagaya ko ginagastohan sila ng mabuti ng kanilang mga magulang tapos sila naman yung hindi ng pursigi ng pagaaral tapos ako gustong mag aral eh kulang naman sa budget ang mga magulang ko .Ang hirap ng buhay na mahirap minsan maka isip ka ng masama pero nan dyan naman si Lord na gumagabay sa akin parati nyang sinasabi at binubulong kung anu ang dapat anu ang mali at tama,

Bawat oras at araw ang lilipas palagi kung sinasabi sa sarili ko na ilang hakbang nalang marating ko na ang matagal ko ng pinapangarap at yun ay mabigyan ng magandang buhay ang aking pamilya yung tumira kami sa magandang bahay yung hindi kami mababasa pag umuulan at hindi kami natatakot pag ng lilindol kasi nakatira kami sa mala palasyung bahay. Alam kung impossebly pero wala naman mali kung ,mangarap di po ba. wala namang bayad kung mangarap ka.

Pero laban lang kahit anung mangyari at kahit anung hirap ang madaraanan kakayanin para sa pamilya ko kasi sila ang buhay ko ,



1 komento:

  1. As claimed by Stanford Medical, It's really the SINGLE reason this country's women live 10 years longer and weigh on average 19 KG less than us.

    (Just so you know, it is not related to genetics or some secret diet and absolutely EVERYTHING to do with "how" they are eating.)

    BTW, What I said is "HOW", and not "what"...

    CLICK this link to uncover if this little quiz can help you find out your true weight loss possibility

    TumugonBurahin