Mangarap Ka! Habang may buhay pa at may hininga ka pa,mayroon pang pag-asa.Dito sa mundong ating ginagalawan na punong-puno ng mga materyal/bagay na naggagandahan, mga palamuting nagsisikintaban, para ika’y akitin at gustomo ring maangkin at makamtan.Mga naggagandahan at mga naglalakihang opportunidad na kabilaang nakaabang.Sa ating buhay, ito ang ating mga inaasam-asam na makamtan.
Sa dami nila, hindi mo na alam kung saan, ano at sino ang uunahin mo sa kanila.Pero paano kung …Isang hamak na mahirap ka lang.Walang pera…Walang trabaho…Walang syota o nobyo…Walang mayayaman na kaibigan,As in..walang-wala ka talaga!Kakayanin mo pa ba ang hamon ng buhay?Kakayanin mo pa bang mabuhay?Kakayanin mo pa bang makipagsabayan sa uso ng karamihan?Kakayanin mo bang haraping mag-isa, lalo na ang mga suliranin sa buhay, problema sa pera at kung ano – ano pa?
O ‘di kaya….
MAKIKIPAGSAPALARAN ka na lang?Huwag kang matakot makipagsapalaran, dahil hindi mo malalaman ang tunay na KAHULUGAN ng hamon ng buhay kung hindi mo SUSUBUKAN.O baka naman….gusto mo nang magpakamatay? Wakasan na lang ang iyong buhay?NAKO!!! Yan talaga ang huwag na huwag mung gagawin, kaibigan. Dahil kasalanan ‘yan. Si God lang ang puwedeng kumuha ng ating buhay, siya lamang ang nakaaalam kung kailan tayo mamamatay.
Ang buhay natin ay hiram lang..ito’y isang beses lang. Hangga’t may buhay ka pa, hangga’t humihinga ka pa, MANGARAP KA!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento