Legacy of Life

Huwebes, Setyembre 29, 2016

Love Isn't Always Convenient



Early morning nung gumising ako,and then i open my Instagram account ito yung na basa ko kaya ito nlng yung e share ko.

I will not sacrifice to the Lord my God  burn offering that cost me nothing.{2 SUMUEL24;24}

If  God wants us to help people ,why doesn't He make it easy and inexpensive?Let me answer that question with another question.Did Jesus sacrifice anything to purchase our freedom from sin and bondage?Of course he did .He sacrifice everything .and we are eternally thankful for our salvation!
One of the ways we can show our gratitude is by giving to help others.

I have learned that true giving is giving in a way that effects us.Giving away our clothes and household items that are old and we are finish with maybe a nice gesture,but it is not sacrificial giving.Real giving occurs whe we give somebody something that we want to keep or something that will cost us.

God gave us His only Son because He loves us,so what will love cause us to do?Don't let inconvenience or sacrifice keep you from truly loving others.
Ipinaskil ni Maria Luz Mansibad sa 1:10 AM Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Miyerkules, Setyembre 21, 2016

Buhay Katulong

Lahat ng hirap dinaanan ko para lang makamit ang pangarap kong makatulong sa pamilya ko balang araw.ang hirap maging isang katulong lahat gagawin mo pag silbihan mo ang taong di mo naman ka ano-anu pero no choice ka kasi yan ang trabaho na pina pasukan mo .

di mo hawak ang oras mo may limitado ang pag pahinga mo may oras kang gumising sa umaga at matulog sa gabi kahit minsan di kaya ng katawan mo pero wala kang magawa kasi yan ang trabaho mo kasi kung di ka sumikap wala patutunguhan ang buhay mo,

pero kahut ganyan ka hirap ang buhay titiisin ko kasi palagi kung iniisip na lilipas din ang pagsubok na yan .Balang araw makakaahon din ako sa buhay na ganito di ko naman kasalanan na pinanganak akung mahirap eh!Bawat tao ,talaga may nakatakdang kapalaran .Yung akin tangap ko na yun, ang  aking kapalaran alam ko na ito ang daan ng aking pangarap kasi sa pagiging katulong ko naging isa akung mag aaral.

Sana LORD tuloy-tuloy na ang ganito kung buhay na kahit nahiirap ako pero sa awa mo nakakaraos naman anko dahil sayo kahit minsan na isip kung sumuko pero di mo ako pina pabayaan ginabayan mo ako I LOVE YOU bless me always and my family .

Ipinaskil ni Maria Luz Mansibad sa 7:36 AM Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Lunes, Setyembre 12, 2016

Habang may Buhay may Pag-asa




Mangarap Ka! Habang may buhay pa at may hininga ka pa,mayroon pang pag-asa.Dito sa mundong ating ginagalawan na punong-puno ng mga materyal/bagay na naggagandahan, mga palamuting nagsisikintaban, para ika’y akitin at gustomo ring maangkin at makamtan.Mga naggagandahan at mga naglalakihang opportunidad na kabilaang nakaabang.Sa ating buhay, ito ang ating mga inaasam-asam na makamtan.
Sa dami nila, hindi mo na alam kung saan, ano at sino ang uunahin mo sa kanila.Pero paano kung …Isang hamak na mahirap ka lang.Walang pera…Walang trabaho…Walang syota o nobyo…Walang mayayaman na kaibigan,As in..walang-wala ka talaga!Kakayanin mo pa ba ang hamon ng buhay?Kakayanin mo pa bang mabuhay?Kakayanin mo pa bang makipagsabayan sa uso ng karamihan?Kakayanin mo bang haraping mag-isa, lalo na ang mga suliranin sa buhay, problema sa pera at kung ano – ano pa?
O ‘di kaya….
MAKIKIPAGSAPALARAN ka na lang?Huwag kang matakot makipagsapalaran, dahil hindi mo malalaman ang tunay na KAHULUGAN ng hamon ng buhay kung hindi mo SUSUBUKAN.O baka naman….gusto mo nang magpakamatay? Wakasan na lang ang iyong buhay?NAKO!!! Yan talaga ang huwag na huwag mung gagawin, kaibigan. Dahil kasalanan ‘yan. Si God lang ang puwedeng kumuha ng ating buhay, siya lamang ang nakaaalam kung kailan tayo mamamatay.
Ang buhay natin ay hiram lang..ito’y isang beses lang. Hangga’t may buhay ka pa, hangga’t humihinga ka pa, MANGARAP KA!

Ipinaskil ni Maria Luz Mansibad sa 5:39 AM Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Martes, Setyembre 6, 2016

Pangarap kung makatapos ng pag aaral.




Lahat tayo ay may pangarap sa buhay, noong bata pa ako gusto ko nang makapagtapos sa pag-aaral upang masuklian ko ang mga kabutihang ginawa ang aking mga magulang sa akin At sa aking mga kapatid para matulungan ko rin ang 2 kung mga nakakabatang kapatid na sila rin ay makapagtapos sa pag-aaral para dumating din ang panahon na magkaroon sila nga sariling pamilya, hindi nila maranasan ang kahirapan na hinaharap namin ngayun. Gusto ko rin matulungan ang aking mga nakakatandang kapatid sa mga gastusin sa bahay, gaya ngayon , mahal na ang mga bilihin, araw-araw na gastusin sa pagkain namin araw araw , gastos sa kuryente, kaya pagsikapan ko na makatapos ako sa pag-aaral.


Ako ang panganay na babae,nag-aaral ako sa college, yung pangalawa ay secondarya at ang  bunso naming lalaki ay elementarya ang aking mga nakakatandang kapatid ay may sarili ng pamilya . Hindi sana ako makapagpatuloy sa pag-aaral ngayun dahil sa kahirapan. Kaya na isip ko nlang na mag Working student ako.

Ngayun na 3nd year na ako, hindi ko sasayangin ang ibinigay na opurtunidad na makapagtapos ng pag-aaral. Dahil laging sinasabi na aking nanay na ako ang pag-asa nya pag makatapos ako nang pag-aaral. Ggawin ko ang lahat na makakaya ko na para lang maabot ang aking pangarap na makapag tapos. at para rin na ipagmalaki ako na aking mga magulang na kahit mahirap kami ay hindi ito naging hadlang para hindi ako makatapos ng pag aaral ko, nakatungtong ako sa kolehiyo.At laging sabi ng nanay ko na  bago ako bumuo nang sarili kung pamilya, unahin ko muna sila pero hindi nila alam na yun ang plano ko. Gagawin ko ang lahat na makakaya ko na matapos ko ang isat kalahating taon na ito para sa kanila at sa aking kinabukasan.

                                                                   


                                                                                        Maria Luz Mansibad
Ipinaskil ni Maria Luz Mansibad sa 6:22 AM Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Huwebes, Setyembre 1, 2016

Buhay parang gulong



Sabi nila, ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa baba ka, minsan nasa taas.
Minsan yung iba pag nasa taas na, ayaw nang bumaba.
Takot na makaranas ng mga kabiguan, pagkakamali at kahihiyan.
Stagnant. Feel safe. Secured na ika nga.
Kaso nakakalimutan nila na para makausog ka, makaabante at malayo ang marating,
makakaranas ka talaga na mapunta sa ilalim nang hindi lang isa, kundi libong beses.
Para sa mga nakaranas na nasa ilalim sa mahabang panahon, hindi yan habambuhay.
 Darating at darating na mararanasan mo ring mapunta sa tuktok. Pero choice mo yun.
 At ang pinakamagandang choice ay tulungan mo ang sarili mong umabante.
Baka nagtutulong tulong na sila sa pagtutulak pero ikaw mismo ang ayaw umusad.
 Baka may kalang, tanggalin mo para di ka mahirapan.
Magpasalamat pag nasa tuktok at wag lumimot.
 Pag nasa baba ka naman, kunin mo lahat ng mga pwede mong matutunan at wag magmukmok.
Gaya ng mga gulong, isang beses lang din tayo mabubuhay.
 Hindi ka pwedeng kapalan pag numipis na.
 Wag kang matakot pag numinipis ka na dahil sa dami ng mga karanasan mo.
Isa lang ang ibig sabihin nun, Malayo na ang narating mo, at sinulit mo ang buhay mo.
 Lumaban ka kasi. Tinulungan mo kasi ang sarili mo. Na-enjoy mo ang buhay mo.

Iba-iba tayo nang sukat at silbi. May pang bike, pang kotse, pang bulldozer, pang eroplano at iba pa.
Wag mong pilitin maging iba dahil hindi mo lang kakayanin. Iba-iba kasi ang weight load
  na nararanasan natin at pag pinilit mong malagay sa iba, baka sumabog ka.
At kung malaki ka masyado para sa role mo, sayang ang kapasidad mo. Kailangan mo gumawa
nang paraan para malagay at makabalik sa dapat mong kalagyan.
Darating ang araw mafaflat ka pag may nadaanang pako o barb wire. Ganun talaga ang buhay.
 Dapat ihanda mo na ang sarili mo na pwedeng mangyari yun.
Yung iba, sa takot na mabutasan, hindi na kumikilos, di na gumagalaw.
Naisip mo ba minsan, paano pag huling biyahe mo na pala bukas? Ipipikit mo ba ang mata
 mong masaya at walang pagsisisi? Sana O O.


Ipinaskil ni Maria Luz Mansibad sa 6:52 AM Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest
Mga Mas Bagong Post Mga Lumang mga Post Home
Mag-subscribe sa: Mga Post (Atom)

Tungkol sa Akin

Maria Luz Mansibad
Tingnan ang aking kumpletong profile

Archive sa Blog

  • ▼  2016 (12)
    • ►  Oktubre (3)
    • ▼  Setyembre (5)
      • Love Isn't Always Convenient
      • Buhay Katulong
      • Habang may Buhay may Pag-asa
      • Pangarap kung makatapos ng pag aaral.
      • Buhay parang gulong
    • ►  Agosto (4)
Simple na tema. Pinapagana ng Blogger.